Ang Sinaunang
Kabihasnan ng Hapon
Ang mga Ainu ang sinaunang tao o orihinal na tao sa
Hapon. Ang mga Ainu ay sinundan ng mga nandayuhang pangkat ng pinaghalong
Mongol, Tsino, at Malay. Sila ay nagumpisang manirahan sa Hokkaido.
Hindi sigurado kung kailan nagumpisa ang Hapon pero
ito’y nababanggit sa mga awit at alamat na naisusulat sa Koijiki, ang talaan ng
sinaunang kasaysayan ng Hapon o Nihonji
o “The Chronicles of Japan”.
Ang Imperyong Yamato ay nagumpisa noong 660 CE. Si
Jimmu Tenno ang unang naging emperador ng Japan, siya ay binabansagan rin
bilang “Anak ng Kalangitan”. Pinahayag niya ang kanyang sarili bilang unang
angkan ng bansa.
Ayon sa alamat, itinalaga ng mga lahing Yamato ang
kanilang lahi bling pangunahing pamilya ng bansa. Ayon sa kanila, ang lahi ng
Yamato ay nagmula sa sun goddess na si Amaterasu.
Ang panahong Nara ang unang kabisera ng Hapon. Noong
405 BCE lamang nagsimulang magkaroon ng kaalaman sa kalakhang Asya. Ang
relihiyong Buddhism ay isa sa pinakamahalagang impluwensya ng mga Koreano sa
Hapon. Ito ay tinanggap na ng Japanese Imperial Court.
Noong 607 CE, si Prince Shotoku ay nagsimulang
magpadala ng tatlong misyon ng mga iskolar sa Tang, Tsina upang pag-aralan ang
mga gawing Tsino. Una nila itong natutunan mula kay Wani na iskolar ni Confucius.
Hinangi rin nila sa mga Tsino ang ibang parte ng kanilang kultura. Katulad na
lamang ng alpabetong Kanji, ito ay hango mula sa alpabetong Tsino. Sinubukan
rin ni Prince Shotoku gawing sentralisado ang pamahalaang Hapon. Si Shotoku rin
nag nagsulat ng Seventeen Articles, ang kauna-unahang nakasulat na kodigo ng
batas ng Hapon.
Si Shotoku rin ang kinikilalang “Ama ng Kulturang
Hapones.” Maraming bagay ang ngamula sa Tsina ang ginamit ng mga Hapones. Noong
ika-9 na siglo, tinapos ng mga Hapones ang pagpapadala ng misyon sa Tsina at
sinimulang linangin ang sariling kultura.
Noong 794 CE, ang kabisera ng Hpaon ang inilipat sa
Heian, ang lungsod sa Kyoto sa kasalukuyan. Ang karamihan sa maharlikang
pamilya ay lumipat din ng tirahan dito. Ito ang nagpasimula ng aristokratang
lipunan ng Heian. Sa lipunang ito, ang bawat aspekto ng buhay ay may sinusunod
na alituntunin― mula sa ayos ng buhok, haba ng damit, haba ng sable, kulay ng
mga damit ng mga opisyal, at hanggang sa bilang ng paldang kinakailangang isuot
ng kabbaihan. Naging mahalaga rin ang pagkakaroon ng etika (ethics) o mabuting
asal sa lahat ng pagkakataon.
Gayundin, ang lahat ng kabilang sa korte ay dapat
marunong magpinta o nakakasulat ng tula. Kinilala sa panahong ito si Lady
Murasaki Shikibu at Sei Shonagon. Si Lady Murasaki ang sumulat ng kauna-unahang
nobela sa buong daigdig na pinamgatang, “The Tale of Genji, The Shining Prince
and His Romaces.” Ito ay nasulat gamit ang Kana o sulat Hapon. Si Sei Shonagon
naman ang nagsulat ng “The Pillow Book” na paglalarawan ng panahong ito. Ang
panahong ito ay tinawag na “Ginintuang Panahon ng Japan.”
Lady Murasaki Shikibu
Sei Shonagon
Ang pamilyang Fujiwara ang tunay na naging
makapangyarihan noong panahon ng Heian. Pinalakas nila ang sentralisadong
pamahalaan, ngunit ito ay hinamon ng mga naging makapangyarihang may-ari ng
lupain o landlord. Ngunit napabayaan ng Fujiwara ang pangangasiwa sa
pamahalaan. Lingid sa kanilang kaalaman na nagtatag at nagpalakas ng kani-kanilang
hukbo yung mga may- ari ng lupain o landlord at napatumba ang pamilyang
Fujiwara.
Sa mga sumusunod na panahon, nagkaroon na ng samurai
at ang pagsilang mga shogunate. Sa ngayon, ang Japan ay is asa mga
pinaka-maunlad na basa na halos 100% na ang literacy rate. Isa rin sila sa mga
bansang nangunguna pagdating sa teknolohiya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento