Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018
Imahe
Ang Sinaunang Kabihasnan ng Hapon Ang mga Ainu ang sinaunang tao o orihinal na tao sa Hapon. Ang mga Ainu ay sinundan ng mga nandayuhang pangkat ng pinaghalong Mongol, Tsino, at Malay. Sila ay nagumpisang manirahan sa Hokkaido. Hindi sigurado kung kailan nagumpisa ang Hapon pero ito’y nababanggit sa mga awit at alamat na naisusulat sa Koijiki, ang talaan ng sinaunang kasaysayan   ng Hapon o Nihonji o “The Chronicles of Japan”. Ang Imperyong Yamato ay nagumpisa noong 660 CE. Si Jimmu Tenno ang unang naging emperador ng Japan, siya ay binabansagan rin bilang “Anak ng Kalangitan”. Pinahayag niya ang kanyang sarili bilang unang angkan ng bansa. Ayon sa alamat, itinalaga ng mga lahing Yamato ang kanilang lahi bling pangunahing pamilya ng bansa. Ayon sa kanila, ang lahi ng Yamato ay nagmula sa sun goddess na si Amaterasu. Ang panahong Nara ang unang kabisera ng Hapon. Noong 405 BCE lamang nagsimulang magkaroon ng kaalaman sa kalakhang Asya. Ang relihiyong Buddhism ay